Mga Pahina
Panlasang Bicolano "Bicol Express"
Ihanda na ang Inyong Panlasa!
Bicol Express ay ang nakaagaw pansing pangalan ng isang pagkaing binubuo ng siling mahaba,gatang niyog, bagoong o laing, sibuyas, karne at bawang. Ito ay masarap. Ang pangalan at pakaing ito ay inaalay kay Cely Kalaw na siyang nakaimbento ng gayong luto para maging kahalong laing kaysa kainin lang itong mag-isa.
Sa Likod kan "Bicol Express"-(History of Bicol Express)
Bicol Express(Gulay na Sili)
Kilala at tanyag na lutuing Bikol. Anghang nito ang hinahanap ng bawat kakain nito.
Si CelyKalaw, Isang taga-Laguna at may-ari ng isang kainan sa Malate Maynila, ay ang syang pinaniniwalaang nasalikod ng Bicol Express. Nung tatlong taong gulang pa lamang siya ay pumaroon siya sa siyudad ng Naga at kanyang nasilayan ang iba’t-ibang lutuing bikolano. Nang siya’y lumaki at nagbalik sa Maynila,kanyang nalikha ang Bicol Express.kung saan, isinunud niya ang pangalan nito mula sa tren na bumibyahe mula sa Paco patungong Bicol.ayon din sa mga bicolano,ito raw ay nagmula di umano sa katutubong pagkaing bikol na “gulay na lada” kung saan,niluluto itong kaparehong gawing paglutong Bicol Express ngunit wala itong karne. Ayon naman sa ilang historyador,mayrong tandang mga mangangalakal na Indonesian na dumating sa rehiyon dalawang libong taon na ang nakakalipas at sinasabingang Bicol Express ay maaaring isa sa mga impluwensiya ng naiwanng mga Indonesian sa mga katutubong bicolano. Sapagkat may mga pagkakapareho ito sa mga pagkaing Indonesian. Ngunit, kahit saan man ito talagang nagmula, wala ng pagdadalawang isip na ang pagkaing ito ay sikat sa sarap nito at tatak bicolano.
Sa ibang lagay, mas nagi itong malaman at nabawasan ang anghang. Para magustuhan ng mga taong hindi masyadong mahilig sa maanghang. Matatagpua nang Bicol Express sa kahit saang lugar sa Pilipinas kung saan linuluto ito ng sinumang may gusto nitong katakamtakam at maanghang na pagkain.